METRO MANILA – Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan, DILG Regional, Provincial, and Field offices na kilalanin at tanggapin ang LGU-issued vaccination cards bukod sa VaxCertPH digital certificates dahil nasa soft launch pa lamang ang VaxCertPH program.
Kasunod ito ng napabalitang ilan sa mga LGU ay nagre-require ng VaxCertPH para mag-issue ng S-Pass o ang Safe, Swift, and Smart Passage (S-Pass) Travel Management System sa inbound travelers.
Kaugnay nito, nilinaw ni DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya na hindi pa fully functional ang VaxCertPH program dahil may mga LGU pa ang hindi nakakapag-upload ng hawak nilang record sa Vaccine Operations Reporting System (VORS).
Ang VaxCertPH ay ang opisyal na digital vaccination certificate ng mga Filipino at foreigner na nabakunahan sa Pilipinas kung saan maaari nilang magamit sa international and domestic travel.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)
Tags: DILG, Vaccination Card