DILG, nagbabala sa publiko ukol sa mga nagpapanggap na opisyal ng ahensya at nanghihingi ng pera para sa Marawi

by Radyo La Verdad | October 24, 2017 (Tuesday) | 2441

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government sa publiko sa mga manloloko na nagpapakilalang opisyal ng DILG at nanghihingi ng pera para sa mga naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi. Naniniwala ang DILG na malaking sindikato ang nasa likod nito.

Ang kanilang estilo, gagayahin ang boses ni DILG Officer in Charge Undersecretary Catalino Cuy at tatawagan ang mga regional directors upang utusan na mag-solicit para sa rehabilitasyon umano ng Marawi.

Sa isinagawang entrapment operation ng ahensya, na-aresto ang maglive-in partner na sina  Ricardo Simbulan, 63 anyos at Mitus Sampayan, 39 anyos sa kanilang modus operandi.

Tumawag umano ang nagpanggap na si Usec Catalino Cuy sa Region 2 Director ng DILG at nanghihingi ng kalahating milyong piso.

 

Tags: , ,