DILG, nagbabala na pagmumultahin at ipakukulong ang sinomang gagamit ng ipinagbabawal na paputok

by Radyo La Verdad | December 29, 2017 (Friday) | 5654

Makukulong o di kaya’y magmumulta ang sinomang mahuhuli na nagpapaputok ng ipinagbabawal na paputok ayon sa Department of the Interior and Local Government.

Ayon kay DILG OIC Usec. Catalino Cuy, taon-taon ay nag-aabiso sila na iwasang gumamit ng prohibited firecrackers dahil mayroon itong kaukulang parusa. Twenty thousand hanggang thirty thousand ang multa at pagkabilanggo na tatagal hanggang isang taon ang parusa sa sinomang lalabag sa kautusan.

Sa lungsod ng Caloocan, animnaput apat na designated firecracker zone ang itinalaga sa buong lungsod. Nag-inspeksyon rin ang PNP Caloocan sa isang designated firecracker zone sa isang barangay sa lungsod.

Isa ang barangay 125 sa Caloocan sa mga humabol at nakiusap sa PNP upang payagan na magkaroon ng firecracker zone, tinignan naman ng PNP subalit sinabihan sila na ihanda ang ilang mga bagay na kinakailangan.

Laking pasasalamat ng barangay dahil napayagan sila na magkaroon ng designated firecracker zone at makaiwas sa disgrasya.

Sa darating na Sabado ay isang caravan ang isasagawa sa buong Caloocan upang paalalahanan ang publiko kaugnay ng total firecracker ban sa bansa

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,