DILG, kinilala ang 9 na LGU sa maayos na pagpapatupad ng community-based drug rehabilitaion program

by Erika Endraca | November 26, 2020 (Thursday) | 4591

METRO MANILA – Kinilala ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año ang 9 na Local Government units(LGUs) dahil sa maayos na implementasyon ng Community-Based Drug Rehabilitation and Reintegration Program (CBDRP).

Layunin ng programa na matulungan ang mga taong lulong sa droga na makapagbagong buhay.

Samantala,ang mga LGUs na nanguna sa pagpapatupad ng CBDRP ay ang mga sumusunod: Munisipalidad ng Magallanes, Cavite; Munisipalidad ng Bacnotan, La Union; City of Lucena, Quezon; Munisipalidad ng Kalibo, Aklan; City of Ormoc, Leyte; Pasig City; Davao Oriental; Municipality of Claver, Surigao Del Norte; and Malaybalay City, Bukidnon.

“Tuloy-tuloy ang pagtatrabaho natin sa baba (community level) para i-rehabilitate ang mga kababayan nating naging biktima ng droga para eventually ay makapagbagong-buhay sila at maging produktibong kasapi ng lipunan,” ani ni Secretary Año.
“Ang tagumpay ng programang ito ay tagumpay din ng mga pamilyang Pilipino na nagiging biktima ng iligal na droga,” Dagdag pa nito.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: