METRO MANILA – Nagbigay direktiba ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa
Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng surprise visits sa lahat ng Department of Health-Bureau of Quarantine (DOH-BOQ) at Department of Tourism (DOT)-accredited quarantine hotels sa bansa.
Bunsod ito ng mga ulat na may mga hotel na nagbibigay ng absentee-quarantine arrangements
sa mga Returning Overseas Filipinos (ROFs).
Kaugnay nito, inatasan ni DILG Secretary Eduardo Año si PNP Chief PGen Dionardo Carlos na maglagay ng police units sa various quarantine hotels upang matiyak na nanatili sa mga hotel ang mga naka-quarantine.
Samantala, suportado rin ng ahensiya ang inilabas na resolusyon ng Metro Manila Council (MMC) na mananatili sa kani-kanilang mga tahanan at hindi papayagang pumasok sa mga restaurant at iba pang public establishments ang mg hindi pa nababakunahan.
Ayon sa kalihim, malaking tulong aniya ang pananatili ng mga unvaccinated individuals sa loob ng kanilang tahanan upang mapigilan ang mabilis na paglobo ng mas nakakamatay na Delta variants gayundin ang Omicron variants.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)