DILG, inatasan ang mga Barangay na suportahan ang National ID program ng gobyerno

by Erika Endraca | August 29, 2021 (Sunday) | 2350

METRO MANILA – Nagbigay direktiba ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng mga barangay na suportahan ang Philippine Identification System (PhilSys) o National ID sa pamamagitan ng panghihikayat sa kani-kanilang nasasakupan na magparehistro.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, mahalaga ang pagpaparehistro ng National ID dahil magagamit ito sa lahat ng gagawing transactions.

Sa kasalukuyang datos, mayroon ng 40,388,260 million step 1 registrants at 25,263,851 million step 2 registrants. Nasa 1.048-million National ID cards naman na ang successfully delivered at 3.036-million ID cards na ang ipinadala sa mga nagmamay-ari nito.

Itinuturing naman na essential government service ang pagsasagawa ng PhilSys registration batay na rin sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) Resolution No. 114.

Ang PhilSys Act o Republic Act 11055 ay pinirmhana ni  Pangulong Rodrigo R. Duterte na naglalayong magkaroon ang bawat isa ng single national ID na magagamit sa lahat ng public at private transactions.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,