DILG, hinimok ang LGUs na magpatupad ng total ban on firecrackers

by Radyo La Verdad | December 19, 2023 (Tuesday) | 12102

METRO MANILA – Itinutulak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkakaroon ng isang kabuuang pagbabawal sa paggamit ng mga paputok sa buong Pilipinas.

Binigyang diin ni Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na dapat magpasa ng resolusyon ang mga Local Government Unit (LGU) para ipagbawal ang paggamit ng mga paputok sa kanilang nasasakupang lugar.

Inirerekomenda nito sa mga LGU na isaalang-alang ang paggamit ng pyrotechnic displays sa kanilang city halls bilang mas ligtas na alternatibo sa tradisyunal na paggamit ng mga paputok.

Sa isang ambush interview, inihayag ni Secretary Abalos na may ilang LGU na ang nagtakda ng kumpletong pagbabawal sa paggamit ng mga paputok at naglaan na lamang ng espesipikong lugar para sa maayos na fireworks display.

Nananawagan naman ang kalihim na  na ng kaparehong ordinansa ang bawat mga bayan at lungsod sa bansa at gawing huwaran ang marami sa kanila na mayroong kaparehong proyekto.

Tags: , ,