MANILA, Philippines – Bilang tugon sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakaraang State of the Nation Address (SONA), pupulungin ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA ang 17 mayor sa Metro Manila.
Maalalang inatasan ng pangulo si Dilg Secretary Eduardo Año na suspendihin ang mayor na hindi tutugon sa kaniyang direktiba na resolbahin ang problema sa traffic lalo na sa National Capital Region
“And again, I asked Secretary Año to see to it that this is enforced. If there is a mayor or a governor, or kung ano kang sino kang demonyo ka, i-suspend mo sir Año. Give him time and if he cannot if he is not up to it, then pagpahingain mo na lang. Suspend mo na. Wala talagang wala tayong magawa.” ani President Rodrigo Duterte.
Isa sa mga nakikitang solusyon ng DILG ang paggamit sa mga pribadong kalsada bilang alternatibong ruta tuwing rush hour. Kasama rin sa aalamin ng DILG ang mga traffic ordinance na ipintutupad sa iba’t-ibang syudad sa metro manila
Nais rin ng opisyal na pag-isahin ang umiiral na number coding scheme at paigtingin pa ang anti-illegal parking campaign. Pero bago pa man ito sabihin ng pangulo sa sona, may ilan ng mga lokal na pamahalaan ang gumagawa nito sa kanilang lungsod
Isa dito si Manila Mayor Isko Moreno na nilinis ang kalsada ng Divisoria at ilang lugar sa lungsod. Pati mga nakahambalang na istraktura sa pampublikong lansangan giniba ng lokal na pamahalaan ng maynila.
May mga isinasagawang clearing operations naman sa mga lansangan sa Quezon City. Sa facebook page ng Quezon City, hindi na pinapayagan na mag park ang mga sasakyan sa harapan ng Balintawak Market
At nagiikot rin ang mga traffic enforcer upang masiguro na walang illegal parking Sa San Juan City naman ay nagpalabas ng excutive order si mayor Francis Zamora epektibo simula Huwebes (July 25)na nagdedeklara ng no parking zones mula alas -6 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi sa ilang kalsada.
Inaasahang magpapaluwag ito ng daloy ng trapiko sa club filipino avenue, at ilang bahagi ng Annapolis, Missouri at Conniticut Street.
Samantala, suportado naman ng Department of Transportation at Department of Public Works And Highways ang direktiba ng pangulo na solusyunan ang problema sa trapiko.
Pero ayon sa dalawang ahensya nanatili pa ring malaking hamon ang pagresolba sa right of way issues.Ito anila ang pangunahing dahilan kaya’t naantala ang kontruksyon ng ilang proyekto na makatutulong sana upang maibsan ang lumalalang traffic sa Metro Manila.
“Yung kalsada para sa common tao yan,hindi pang pribado yan so dapat lang ibigay sa common tao yan..yung sa right of way kailangan po namin ngayon yung mga kailangan naming right of way nasa peripheral mga tinatawag na proyekto kung nawala at nabigay yung right of way luluwag po yun” ani DOTR Sec. Arthur tugade.
Tiniyak ng DPWH na mayroon namang matatanggap na kompensansyon o relokasyon ang mga residente o establisyimento na tatamaan ng kontruksyon ng road projects ng gobyerno.
“The government has the right to expropriate but of course kami naman hanggat maari we try to negotiate, we try to be fair to everyone but of course we have to look at the overall benefit,kung marami namang makikinabang sa mga projects and of course we have to do our best to priorite what will help the most number of people” ani DPWH Sec.Mark Villar.
(Mon Jocson | Untv News)