METRO MANILA – Umapela ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at League of Provinces sa senado na aprubahan ang P28.1 Billion Barangay Development Program (BDP) budget para sa taong 2022.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, inaasahan ng mga barangay ang pag-apruba sa budget para sa development project upang labanan ang Communist terrorism sa kanialng nasasakupan.
Binigyang linaw din ng kalihim na nagamit upang magkaroon ng livelihood projects sa mga barangay ang budget na inilaan sa taong ito.
Matatandaang nagkaroon deliberasyon sa senado noong Setyembre kung saan kinuwestiyon ng ilang mambabatas ang billion proposed budget ng DILG para sa BDP sa susunod na taon.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)
Tags: BDP