Dikit na laban ng 3 presidentiables sa latest sws survey, kwestionable para kay Senador Osmena

by Radyo La Verdad | September 24, 2015 (Thursday) | 1284

joan_osmena
Batay sa resulta ng latest survey ng Social Weather Station o SWS, mahigpit ang labanan nina Senator Grace Poe, Vice President Jejomar Binay at kay former DILG Secretary Mar Roxas sa presidential race.

Mula sa 1,200 respondents nakakuha ng 26 percent na boto si Senator Poe, sinundan ni VP Binay na may 24 percent at roxas 20 percent.

Ngunit para kay senador serge osmena, ipinagtataka niya ang lubhang pagbaba ng nakuhang rating ni Poe, gayung mataas ang nakukuha nitong puntos sa mga nakalipas na survey.

Ayon sa senador,hihintayin na lamang niya ang resulta ng Pulse Asia survey na inaasahang ilalabas sa susunod na linggo, upang matukoy kung sino nga ba ang mas napipisil ng taumbayan na maging susunod na pangulo ng bansa.

Naniniwala naman ang senador na malaking tulong ang ginagawang mga hakbang ng pambato ng liberal party na si Mar Roxas nitong mga nakalipas na araw upang mapalapit sa taumbayan.

Dagdag pa ng mambabatas hindi dapat na maging dependent sa endorsement ni Pangulong Aquino si Roxas at sa halip dapat itong gumagawa ng sariling paraan upang lalong maisulong ang kanyang kandidatura.

Ganito rin ang kanyang pananaw para naman sa mga nanguna sa senatorial race na kinabibilangang nila Senator Vicente Sotto III, Panfilo Lacson, Senator Ralph Recto, Drilon,Marcos, Pangilinan at maging si Justice Secretary Leila De Lima.

Naniniwala naman ang senador na malaki pa ang magiging pagbabago sa resulta ng mga survey sa oras na maghain na ng certicate of candidacy ang mga kakandidato sa iba’t-ibang posisyon sa darating na Oktubre.(Joan Nano/UNTV Correspondent)

Tags: , ,