DICT OIC Usec. Rio Jr, inaming nakaranas ng matinding pressure sa mga politiko noong siya pa ang commissioner ng NTC

by Radyo La Verdad | October 23, 2017 (Monday) | 2669

Hindi korupsyon kundi matinding pressure sa trabaho ang nag-udyok kay dating Department of Information and Communications Technology Secretary Rodolfo Salalima na magbitiw sa pwesto.

Ipinahayag ito ng pumalit kay Salalima sa DICT na si Officer in Charge Undersecretary Eliseo Rio Junior sa panayam ng programang Get it Straight With Daniel Razon.

Kaya naman hindi na rin naiwasang tanungin si Usec. Rio kung posible rin siyang magbitiw sa pwesto kung sasapitin niya ang naranasan ni Salalima.

Samantala, inamin rin ni Usec. Rio na napilitan na ring siyang magbitiw noon sa pagiging commissioner ng National Telecommunications o NTC sa panahon ng panungunkulan ni dating Pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Usec. Rio, maka-ilang ulit niya itong ikinunsulta kay Ginang Arroyo upang mabigyan ng kaukulang aksyon.

Sinubukan ng UNTV News Team na kunan ng pahayag ang kampo ni Ginang Arroyo, subalit hindi pa ito nagbibigay ng kanyang panig ukol sa isyu.

 

( Joan Nano / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,