DICT, nakikipagugnayan sa int’l counterparts kaugnay ng text scams    

by Radyo La Verdad | September 12, 2022 (Monday) | 1684

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga international counterpart nito kaugnay ng talamak na personalized text scam sa Pilipinas.

Ayon sa ahensya, posibleng may international syndicate na nasa likod ng phishing activities dahil nangyayari rin ito sa ibang bansa.

Humiling na ang DICT sa mababang kapulungan ng kongreso na magkaroon ng executive session para matalakay ng naturang isyu.

Samantala humihingi rin si DICT Secretary Ivan Enrile Uy sa kongreso na magkaroon ng pondo ang kanilang intelligence funds. Sa 2023 proposed budget ng DICT, walang alokasyon para sa intelligence fund nito.

Makakatulong aniya ang pondo para mapaigting pa ang kanilang programa hindi lamang laban sa mga text scam, pati na rin sa cybercrimes, child exploitation, at iba pang krimen.

Tags: ,