DICT, bumuo ng Special Task Force na tututok sa mga online scam case

by Radyo La Verdad | June 26, 2023 (Monday) | 309

METRO MANILA – Bumuo na ang Department of Information and Communication Technology (DICT) ng special task force na siyang tututok sa pagsugpo ng patuloy na lumalaganap na phishing at iba pang online scam.

Ayon kay DICT Secretary Ivan Uy, nakipagpulong na sila Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC) at 3 major telecommunication firms, mga banko at e-wallet companies at NTC para pag-usapan ang iba’t ibang cyber threats at scams.

Ngayong Linggo, muling magpupulong ang task force upang makabuo ng guidelines sa pagre-report ng cyber scams.

“To workout ano yung proseso na saan maglalanding yung reklamo paano maba-validate na hindi prank or hindi fake gusto ko bilisan dahil oras na mapaikli natin from the time na nangyari yung phishing o yung scam to the time na matigil naitn ma-freeze yung acount or whatever kung umikli yung mas maliit yung makukuha kapiranggot lang makukuha nila dahil ma-aksyunan na natin within 24 hours frozen na hindi na nila magalaw yung pera baka ma-discourage na sila.” ani DICT Sec. Ivan John Uy.

Tags: