Pormal nang naghain ng certificate of candidacy si Manila Vice Mayor Francisco “Isko” Moreno.
Ang bise alkalde ay tatakbo sa ilalim ng partidong pwersa ng masang Pilipino,ang partido na pinamumunuan ni Mayor Joseph Estrada.
Ayon kay Moreno,siya ay kabilang sa senatorial slate ni Presidential at vice presidential aspirant Grace Poe at Chiz Escudero.
Samantala, si former Senator at Redcross chairman Dick Gordon ay tatakbo muli bilang senador sa ilalim ng partidong Bagong Bayan.
Ipinagmalaki ni Gordon ang ilan sa kaniyang mga nagawa sa senado gaya nang pagpasa ng batas hinggil sa automated election,at tourism law.
Kabilang sa tututukan ni Gordon kung sakali umano na siya ay manalo ay ang problema sa kuryente sa Mindanao at ang problema sa trabaho sa Pilipinas.
Matatandaan na may mga kampanya sa social media kung saan si Gordon ay hinihimok na tumakbo bilang pangulo ng bansa,ngunit ayon Kay Gordon ay wala siyang sapat na pondo upang matustusan ang pangangampanya bilang pangulo.(Meryll Lopez/UNTV Radio Correspondent)
Tags: Dick Gordon, Isko Moreno, senador