Pinaigting ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pakikipag-kaisa ng mga stakeholder upang mai-promote ang priority housing program sa Visayas ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nagsagawa ng 2 araw na pagbisita si DHSUD Secretary Jose Acuzar at mga opisyales ng DHSUD sa mga key cities sa Visayas at upang makipagpulong ang local chief executives sa Mandaue City, Tacloban City, Bacolod City, Iloilo City, at ilang Mayor ng Iloilo province.
Ipinakilala ng DHSUD ang National Housing Program ng administrasyong Marcos sa mga local government unit (LGU), binisita ang mga housing project sites, ipinakita ang kahalagahan ng mga LGU upang tagumpay na maipatupad ang programa ng administrasyon para maisayos ang housing backlog ng bansa at ang mga informal settlers sa mas ligtas na lugar.
Ayon kay Acuzar, nakapagtala ang mga major cities at provinces sa Visayas ng malaking bilang ng mga informal settlers (ISFs) at mga taong nakatira sa mga calamity prone areas kaya marapat na gawing prayoridad ang Visayas Group of Islands.
Nagpakita ang mga lokal leaders ng suporta sa housing blueprint ng administrasyon at ang paghahanda na maglaan ng land resources para ma-develop ang mga bagong project site, pati gawin ang mga estero na mga park at walkways upang makatulong sa pagsasaayos ng mga daanan ng tubig.
Bahagi ng priyoridad ng administrasyon ang pagsasaayos ng 6.5 milyong housing backlog kasama ang estimang 3.7 milyong ISFs sa buong bansa.
(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)