Humigit kumulang sa limampung libong Pilipino ang nanunuluyan sa bansang Spain batay sa Commission on Filipinos Overseas.
Kabilang na rito ang mga permanent at temporary migrants gayundin ang mga documented at undocumented Overseas Filipino Workers.
Ilan sa mga kababayan natin dito ang nakararanas ng problema sa kanilang panunuluyan sa bansa.
Kaya sa pagbisita sa Madrid, Spain ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Junior, sinamantala ng mga ito ang pagkakataon na maiparating ang kanilang mga tanong at hinaing.
Ayon sa kalihim, problema sa pinansyal at legal ang karaniwang daing ng mga ofw na siya namang tutugunan ng pamahalaan.
Bukod sa pagsagot sa mga katanungan ng mga OFW, ibinalita rin ni secretary Yasay ang sitwasyon ngayon sa bansa.
Kabilang na rito ang mahahalagang isyu tulad ng kasalukuyang war on drugs, death penalty reimposition at ang posibleng pagpapatuloy ng peace negotiations.
Ikinatuwa naman ng kalihim ang pagkakataon na makumusta at maibahagi ang kalagayan ng bansa sa mga kababayan natin sa Madrid, Spain.
(Rey Tejada / UNTV Correspondent)
Tags: DFA Sec. Yasay, Madrid, mahahalagang isyu, Pilipinas, Spain