DFA, pinaiimbestigahan na ang umano’y nagleak na transcript ng pag-uusap ni Pangulong Duterte at US President Trump

by Radyo La Verdad | May 25, 2017 (Thursday) | 3108


Pinaiimbestigahan na ni Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang nagleak na transcript ng umano’y pag-uusap ni Pangulong Rodrigo Duterte at U.S. President Donald Trump.

Subalit tumangging kumpirmahin o pasinungalingan ng kalihim ang laman ng leaked transcript lalo at hindi naman niya nababasa ang laman nito.

Nais matukoy ni Cayetano kung totoong galing nga sa kanilang tanggapan ang naturang impormasyon.

Samantala umapela din ito sa media pagdating sa paglalabas ng mga impormasyon may kaugnayan sa diplomatic issues, negotiations at operational security.

Tags: , , ,