DFA, pinabulaanan ang ulat na nilaglag na ng Pilipinas ang Sabah claim

by monaliza | March 30, 2015 (Monday) | 1651

CHARLESJOSE

Pinabulaanan ng Department of Foreign Affairs na inalok ng gobyerno ng Pilipinas ang pagbitiw sa Sabah claim kapalit ng pagsuporta ng Malaysia sa arbitration case laban sa China kaugnay sa West Philippine Sea territorial dispute.

Ipinaliwanag ni DFA spokesperson Charles Jose na hindi binanggit sa ipinadalang note verbale sa Malaysia na ilalaglag na ng Pilipinas ang claim nito sa Sabah kundi nakasaad sa dokumento kung paano reresolbahin ang isyu sa extended continental shelf sa South China Sea.

Sa ngayon, hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang Malaysia sa note verbale na ipinadala ng DFA.

Kasalukuyan pa ring gumugulong ang pagdinig sa maritime dispute sa international arbitral tribunal na nakabasa sa the Hague, Netherlands. Sa naturang kaso, iginigiit ng China na bahagi ng teritoryo nito ang West Philippine Sea pero sakop naman ang mga naturang teritoryo sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Tags: , , , , , ,