DFA, nanawagan sa mga Pinoy sa Gaza na lumikas na

by Radyo La Verdad | November 14, 2023 (Tuesday) | 3027

METRO MANILA – Muling nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino  na samantalahin ang pagkakataong makalabas ng Gaza habang bukas ang Rafah Border Crossing.

Sinabi ni DFA Usec. Eduardo De Vega na masama na ang sitwasyon sa Gaza kaya kung maaari ay mag-avail na ng mandatory repatriation ang mga natitirang Pilipino doon.

Sa kabila nito, patuloy na maghahanap ng paraan ang pamahalaan kung paano tutulungan ang mga kababayan na nais pa ring manatili roon.

Kahapon (Nov. 13), nakauwi na ang ika-7 batch ng mga OFW mula Israel.

Samantala, panibagong batch ng mga Pilipino ang nakatawid ng border patungong Egypt ngayong araw.

Tags: