Bubuksan na ng Department of Foreign Affairs ang main consular office nito sa Parañaque City tuwing Sabado simula sa February 10.
Batay sa anunsyo ng DFA, mua 8 a.m. to 5 p.m bukas ang Office of Consular Affairs sa ASEANA upang ma-accommodate ang malaking bilang ng mga passport applicant.
Paglilinaw ng DFA, hindi kasama sa weekend operation ang mga walk-in applicant kabilang na yung mga entitled sa “courtesy lane” window.
Hindi rin available tuwing Sabado ang authentication ng mga dokumento. Una nang nagkaroon ng hanggang weekend na operation ang mga DFA satellite office sa mga mall.
Ayon pa sa kagawaran, nakatakda itong magbukas ng walo pang consular offices na tatanggap ng mga passport applications.
Kada araw, tnatayang nasa sampu hanggang labindalawang libong passport ang ini-isyu ng DFA sa pamamagitan ng six satellite consular offices sa Metro Manila at 21 regional consular offices nationwide.
Tags: DFA, Parañaque City, passport