Walang pa magpapatupad ng travel ban ang Department of Foreign Affairs kasunod ng naganap na pagsabog sa Bangkok, Thailand kung saan hindi bababa sa 19 ang patay at mahigit sa 120 ang sugatan.
Ayon DFA spokesperson Charles Jose, maaari pa ring makabiyahe ang mga kababayan natin patungong Thailand pero nagabiso ito na mag-ingat at umiwas sa mga matataong lugar.
Dagdag pa ni Jose, may iba pa namang tourist spot sa Bangkok ang maaari pa ring mapuntahan ng mga Pilipinong turista sa Thailand.
Sa ngayon ay patuloy pa ring pinag-aaralan ng DFA ang sitwasyon sa nabanggit na bansa bago ito maglabas ng anumang advisory.
Bineperipika pa ng DFA ang ulat na may isang Pilipino ang nasawi sa naturang pagsabog.