Developments sa West Philippine Sea, patuloy na tinututukan ng DFA

by Radyo La Verdad | May 21, 2018 (Monday) | 4976

Patuloy na mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga pangyayari sa West Philippine Sea at South China Sea.

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na ginagawa nila ang kaukulang hakbang upang maipagtanggol ang pag-aangkin ng bansa sa naturang rehiyon.

Nananatili rin anila ang kanilang commitment na ipagtanggol ang teritoryo at soberanya ng bansa sa nasasakupang mga lugar.

Ginawa ng DFA ang pahayag ilang araw matapos lumapag ang h-6k bomber aircraft ng China sa isa sa mga artipisyal na islang nasa loob ng pinag-aagawang karagatan.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mauuwi lamang sa gulo kung ipipilit ng bansa ang pag-aangkin sa bahagi ng West Philippine Sea.

Pero tiniyak nito na gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang matugunan ang kasalukuyang sitwasyon doon.

 

Tags: , ,