Maghahain ng apela ang Development Bank of the Philippines sa Securities and Exchange Commission kaugnay ng umano’y paglabag ng bangko sa securities regulation code.
Nag-ugat ang umano’y paglabag sa 14.3 billion pesos na halaga ng government securities na ipinagbili ng DBP.
Paliwanag ng DBP, above board ang naturang sale at layon lamang nito na sagipin ang bangko sa mas malaking pagkalugi.
Kabilang ang DBP sa mga tinatawag na Government Financial Institution o GFI na nakakapag-ambag sa kaban ng yaman ng bansa.
Tags: Development Bank of the Philippines, paglabag ng bangko, Securities and Exchange Commission, securities regulation code