Determinadong rescue operations ng pamahalaan sa kidnap victims ng Abu Sayyaf, tiniyak

by Radyo La Verdad | May 26, 2016 (Thursday) | 1455

AFP-FACADE
Muling nagbigay ng garantiya ang pamahalaan na nagsasagawa ng pinaigting na operasyon ang mga tauhan ng militar at pulisya upang masagip ang mga kidnap-for-ransom hostages at masupil na ang karahasan at kriminalidad ng grupong Abu Sayyaf.

Ito ay sa pamamagitan ng law enforcement at military operations.

Kahapon, nagpatawag ng security cluster meeting si Pangulong Benigno Aquino The Third upang hingin ang update ng security situation sa Mindanao.

Matatandaang nangako si Pangulong Benigno Aquino The Third noong nakalipas na buwan na hindi titigil ang pamahalaan hanggat hindi nasusupil ang ASG.

Nais ng pamahalaan na tuluyang mawalan ng kapasidad ang Abu Sayyaf na makapagsagawa pa ng mga karahasan sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na focus military operations sa Basilan at pagtugis kay Hapilon at sa sub-leader nitong si Furuji Indama.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,