Detensyon ni Sen. De Lima, katunayan ng paggana at epektibong criminal justice system sa Pilipinas ayon sa Malacañang

by Radyo La Verdad | February 26, 2018 (Monday) | 4832

Inilarawan ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque si Senator Leila De Lima bilang isang nabubuhay na simbolo na katunayang naging narco-state na ang Pilipinas.

Ayon sa pahayag ng tagapagsalita ng Pangulo, binansagang ina ng mga drug lord ang naturang mambabatas dahil sa pagpapahintulot nitong mamayagpag ang operasyon ng iligal na droga sa National Bilibid Prison o NBP.

Ito ang dahilan ng mga kinakaharap nitong kaso ngayon at tumagal ang pananatili nito sa Philippine National Police Custodial Center ng isang taon na.

Dagdag pa ni Roque, ang pagkakakulong ng lady senator ang patunay na buhay, epektibo at gumagana ang criminal justice sa bansa.

Una nang sinabi ng Malacañang na nasa korte na ang kaso at nanawagan sa mga ka-partido ng senadora na wag impluwensyahan ang mga Huwes na may hawak ng kaso.

Samantala, ayon naman sa pahayag ng Human Rights International Organization, pure fiction o kathang-isip lamang ang mga isinampang kaso laban kay Senador De Lima at tinarget dahil sa kanyang pagiging kritiko sa mga polisiya ng Duterte administration.

Nanawagan din ito sa mga otoridad na pakawalan na ang mambabatas.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,