Detalye ng Oplan Exodus, inusisa ni Sen. Enrile kina dating PNP Chief Alan Purisima at SAF Dir. Getulio Napeñas

by Radyo La Verdad | January 28, 2016 (Thursday) | 3126

SEN-JUAN-PONCE-ENRILE
“What happened was President Aquino compartmented or agreed to compartment Oplan Exodus to himself and PDG Purisima, is that correct?”

Ito ang mainit na tanong ni Senador Juan Ponce Enrile sa muling pagbubukas ng Mamasapano investigation sa Senado.

Ngunit tutol sa pahayag na ito si Senate President Franklin Drilon

“Kung may nag compartmentalize it is Napeñas not the president correct? Since it was Napenas who said that the AFP was compromise and therefore concluded that the operations be time on target and they should not be informed he is the one who compartmentalize.” Pahayag ni Drilon

Inusisa ni Sen. Juan Ponce Enrile kina Purisima at dating SAF Dir. Getulio Napeñas ang operasyon sa Mamasapano incident

Pati ang time on target at ang umano’y advice lang at hindi order kay Napeñas ni Purisima ay nasilip din ni Enrile

Para kay Enrile, tila mas importante lang kay Pangulong Aquino ang katawan ni Marwan kaysa kapakanan ng SAF Troopers

Ngunit tutol dito ang ilang senador.

“There was basis for the President to be alarmed, you don’t have to be the President, ikaw mismo put you self in his place, isa lang ang wounded, 15 to 20 ang kalaban ang pwersa mo 160 plus-plus would you be alarmed?” pahayag ni Sen. Teofisto Guingona III

Naniniwala naman si PNP Chief Ricardo Marquez na hindi sana magkakaproblema kung nasunod ang tamang proseso batay sa Board of Inquiry Report

Samantala iniulat sa pagdinig na hindi pa nakukuha ang limang milyong dolyar mula sa Estados Unidos para sa informant sa Mamasapano

Ipinoproseso pa rin ang pitong milyong pisong reward naman mula sa pamahalaan ng Pilipinas para rin sa informants.

Ayon kay Ret. SAF Director Napeñas, nagkaroon din ng papel ang Estados Unidos sa larangan ng real time intelligence, training at equipment sa Oplan Exodus ayon kay napeñas at tumulong sa pag DNA ng daliri ni Marwan.

Layon aniya ng US Government ayon na mabigyang hustisya ang mga biktima sa bali bombing noong 2002

Bukas naman ang komite na mabuo ang katotohanan sa muling imbestigasyon

Sa kabila ng imbestigasyon tiniyak naman ng pambansang pulisya sa komite na ang mga naulilang pamilya ng SAF 44 ay hindi pinababayaan dahil may tulong na inilaan na higit 100 million sa kanila. Umaasa naman ang komite na sana man lang ay matigil ang sisihan sa PNP at AFP alang-alang sa mga naulila ng SAF 44.

(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , ,