Desisyong hindi na mandatory subjects ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo, muling kinuwestiyon sa Korte Suprema

by Erika Endraca | June 11, 2019 (Tuesday) | 4628

MANILA. Philippines – Batay sa pinal na desisyon ng Korte Suprema hindi na kasama sa mga core subject sa kolehiyo ang asignaturang Filipino at Panitikan.

Unang nag isyu ng memorandum ang Commission on Higher Education (CHED)  na hindi na mandatory ang Filipino at Panitikan subjects sa kolehiyo dahil ayon sa CHED kasama na ito sa mga kinukuha sa elementarya at sekondarya.

Pero kahapon (Hunyo 10) muling kinwestiyon sa Korte Suprema ang naturang desisyon, ayon sa grupong Tanggol Wika-hindi man lamang sinagot ng kataas-taasang hukuman ang punto por punto nilang mga argumento .

Ayon sa Tanggol Wika malinaw na pagsalungat ito sa inilatag ng konstitusyon at sa nilalayon ng constitutional commission.

Isang letter of protest ang isinumite ng grupo kahapon (Hunyo 10)  sa Supreme Court na may layong kumbinsihin ang mga mahistrado na baliktarin ang una nitong desisyon.

“Hindi tayo kasing confident noong dati kasi iyong motion for reconsideration nga mismo hindi tayo pinakinggan. Edi lalo ngayon letter lang ito. Pero iyon nga ang gusto nating sabihin ay igigiit pa rin natin sa kanila” ani Tanggol Wika Convenor, David Michael San Juan.

Giit ng grupo bago pa man maglabas ng desisyon ang korte suprema–may ilang mga unibersidad na sa bansa ang tinanggal na agad sa kanilang mga courses ang Filipino o Panitikan subjects.

Ayon sa CHED wala sa kanilang mandato ang magkomento hinggil sa legalidad o merito ng apela ng grupo hanggat hindi pa hinihiling ng korte ngunit welcome naman umano para sa ahensya ang ginawang pagpanig ng SC sa CHED Memorandum Order 20.

“We are happy that the Supreme Court sided with the commission. Now if the other party raise issues, that is completely under the jurisdiction of the Supreme Court” ani Commission On Higher Chairperson, Prospero De Vera.        

(Mai Bernudez | UNTV News)

Tags: , ,