Desisyon sa martial law extension, posibleng ilabas ng pangulo bago ang July 22 – AFP Spokesperson

by Radyo La Verdad | July 17, 2017 (Monday) | 2026


Posibleng i-anunsyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang desisyon kung palalawigin ba ang implementasyon ng batas militar sa Mindanao bago ito magtapos sa July 22.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, bago ang ikalawang State Of the Nation Address ng pangulo inaasahang ipa-aalam sa publiko kung inaprubahan ba ang rekomendasyong ipinasa sa kanya ng Defense Department.

Samantala, naniniwala ang AFP na nalalapit nang matapos ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute terrorist group.

Ayon kay Padilla, tuloy-tuloy ang pagkubkob ng militar sa mga nalalabing lugar sa Marawi City na nakubkob ng mga militante.

Sa tala ng AFP, nasa walumpu pa ang natitirang myembro ng Maute habang nasa tatlong daang sibilyan naman ang kasalukuyang naiipit sa labanan.

Tags: , ,