Desisyon sa kasong kidnapping at serious illegal detention ni Palparan, ibababa ng korte sa ika-17 ng Setyembre

by Radyo La Verdad | September 7, 2018 (Friday) | 4425

Maglalabas ng desisyon ang Malolos Regional Trial Court sa kaso ng pagdukot sa dalawang estudyante ng University of the Philippines (UP) kung saan pangunahing akusado si retired Major General Jovito Palparan Jr.

Itinakda ng Malolos RTC Branch 15 sa susunod na Lunes, ika-17 ng Setyembre, ganap na alas nuwebe ng umaga ang promulgation sa kasong kidnapping at serious illegal detention ni Palparan at ng tatlo pang opisyal at tauhan ng Philippine Army.

Nag-ugat ang kaso sa pagdukot sa mga UP student na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño sa Hagonoy, Bulacan noong 2006.

Ayon sa magsasakang testigo na si Raymond Manalo, nakita niya ang dalawa sa kampo ng 7th Infantry Division ng Philippine Army na noon ay nasa ilalim ng pamumuno ni Palparan.

Sa ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang dalawang estudyante ng UP.

 

Tags: , ,