Desisyon sa kahilingang makapagpiyansa ni Napoles sa kasong graft at plunder posibleng ilabas ng Sandiganbayan ngayon araw

by Radyo La Verdad | September 16, 2015 (Wednesday) | 1190

janet-napoles
Posible nang ilabas ng Sandiganbayan ang desisyon nito sa kahilingan na makapagpiyansa si PDAF scam Janet Lim Napoles sa kasong plunder at graft ngayong araw. Maaaring pagbigyan o hindi ng Sandiganbayan Third division ang petition for bail na ito.

Inaasahang ilalabas ngayong alas tres ng hapon ang resolusyon ng korte matapos ang oral summation na isinagawa ng defense at prosecution panel noong lunes.

Ngunit kahit na mapagbigyan ang petition for bail ni Napoles sa kasong graft at plunder ay mananatili pa rin itong nakabilanggo sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong city dahil sa habambuhay na pagkakakulong dahil sa serious illegal detention kay PDAF scam whistleblower Benhur Luy.

Samantala isinumite ng prosecution panel sa Fifth division ng Sandiganbayan ngayon din araw ang external hard drive ni Luy, bilang ebidensya laban kay Senador Jinggoy Estrada at nagpatuloy din sa pagbusisi ng daan-daang printed copies ng daily disbursement report ni Luy mula sa hard drive nito para naman sa pagdinig sa petisyong makapagpiyansa ang dating mambabatas na si Edgar Valdez.(Ara Mae Dungo/UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,