Desisyon ng Senado kung ipagpapaliban ang barangay at SK elections sa Oktubre, ilalabas sa Lunes

by Radyo La Verdad | August 25, 2017 (Friday) | 3556

Nagsagawa ng public hearing ang Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation kaugnay ng panukalang pagpapaliban ng nakatakdang barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre. Dinaluhan ito ng iba’t-ibang grupo na nagpahayag ng kanilang pananaw sa isyu.

Matapos marinig ang lahat ng panig, nagdesisyon si Committee Chairman Sen. Richard Gordon na ilabas sa lunes ang desisyon sa isyu ng election postponement. Gaya ni Pangulong Duterte nais nilang ipagpaliban ang halalan.

Bukod sa isyu ng narco politics, sinabi na rin ng Armed Forces of the Philippines na mahihirapan silang ituloy ang eleksyon lalo na’t may armed conflict sa Mindanao.

Nguni’t para kay Sen. Franklin Drilon, hindi maaaring ipagpaliban muli ang halalan ngayong taon. Panukala naman ni Sen. Bam Aquino, bilang kinatawan ng mga kabataan sa senado at nagsulong ng SK Reform Act, nais nilang matuloy ang halalan.

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,