Desisyon ng Sandiganbayan sa kanyang mosyon, dapat hintayin bago ang implementasyon ng suspension order – Sen. JV Ejercito

by Radyo La Verdad | October 25, 2016 (Tuesday) | 4924

EJERCITO
Sumasang-ayon si Sen. Joseph Victor Ejercito na dapat muna hintayin ng Senado ang desisyon ng Sandiganbayan sa kanyang mosyon bago nito iimplementa ang suspension order mula sa korte.

Kaugnay ito sa kasong graft na isinampa laban kay Sen.Ejercito dahil mahigit 2 million pesos na calamity fund na umano’y ginamit ni Ejercito na pambili ng armas noong alkalde pa ito ng San Juan City taong 2008.

Nito lamang Agosto ay ipinag-utos ng Sandiganbayan ang 90 day preventive suspension ni Ejercito upang hindi niya aniya maimpluwensyahan ang mga testigo at ebidensya na maaarin magamit laban sa kanya.

Ayon kay Sen. Ejercito, handa siyang sumailalim sa suspensyon, pero dapat ay hintayin muna ang magiging resolusyon ng korte sa kanyang mosyon na nagnanais na ipadismiss na ang kaso.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,