Desisyon ng Ombudsman sa pagsasampa ng kaso laban sa ilang matataas na opisyal ng PNP, nirerespeto ng PNP

by Radyo La Verdad | October 21, 2015 (Wednesday) | 1605

MAYOR
Iginagalang ng Philippine National Police ang desisyon ng Ombudsman hinggil sa pagsasampa ng kaso laban sa ilang matataas na opisyal ng PNP hinggil sa isyu ng AK47.

Ayon kay PNP Pio Chief P/ CSupt. Wilben Mayor, nirerespeto nila ang desisyon ng Ombudsman na magsampa ng kaso sa Sandigangbayan dahil sa paglabag sa Sec. 3(e) ng R.A. 3019 o mas kilala sa Anti-Graft and Corrupt Practices act sina P/CSupt. Gil meneses (6 counts), P/Dir. Napoleon Estilles (2counts), P/CSupt. Tomas Rentoy (3counts) at P/CSupt. Regino Catiis (3counts) na pawang mga retirado na.

Kasama rin sa kaso sina P/CSupt. Raul Petrasanta (13counts), P/SSupt. Eduardo Acierto (11 counts), P/SSupt. Allan Pereño (10counts) at P/Supt. Nelson Bautista (4 counts).

Nauna nang na dismiss sa serbisyo sa dahil naman sa maanomalyang kontrata sa Werfast courier.

Kabilang din sa kasamang pinakakasuhan ng Ombudsman sina P/CInsp. Ricardo Zapata Jr. (1count), P/CInsp. Ricky Sumalde (14 counts), SPO1 Eric Tan (1count), SPO1 Randy de Sesto (2 count) NUP Nora Oirote (2counts) at Sol Bargan (2counts)

Samantala, tumanggi namang magpa-interview sina Col. Acierto at Gen. Rentoy at sa halip ay nagtext na kokonsulta muna sa kanilang mga abogado.

Sinabi ni mayor na maaari pa namang iapela ng mga opisyal ang isinampang kaso laban sa kanila.

Nadiskubre ng feo ang tungkol sa one thousand four na piraso ng ak47 na hindi na-renew ang lisensiya noong 2013 at napag-alamang nawawala at napunta ang ilan sa mga kamay ng New People’s Army ng ma-recover sa ilang pakikipag-engkuwentro sa mga rebelde. ( Lea Ylagan / UNTV News )

Tags: