Desisyon ng NAPOLCOM na pag-alis sa serbisyo sa 21 pulis na sangkot sa Maguindanao Massacre, ipatutupad agad ng PNP

by Radyo La Verdad | December 10, 2015 (Thursday) | 2234

LEA_MARQUEZ
Hinihintay na lamang ng pamunuan ng Philippine National Police ang kopya ng desisyon ng National Police Commission o NAPOLCOM kaugnay sa kaso ng mga pulis na sangkot sa Maguindanao Massacre.

Sa 62 pulis na sinampahan ng kaso at inimbestigahan ng NAPOLCOM, dalawampu’t isa ang inalis sa serbisyo matapos hatulang guilty sa grave misconduct at serious neglect of duty,labing isa ang sinuspinde sa tungkulin at dalawamput isa ang pinawalang sala.

Base sa desisyon ng napolcom, nakipagsabwatan ang mga pulis kay andal ampatuan junior sa pamamagitan ng pananahimik upang isagawa ang massacre sa 57 biktima kabilang ang mahigit tatlumpung miyembro ng media noong November 23,2009.

Ayon kay PNP Chief P/Dir. Gen. Ricardo Marquez, sa oras na matanggap nila ang desisyon ng napolcom ay agad nila itong ipatutupad.

Tags: , , ,