Inaasahang maglalabas na ng desisyon ngayong linggo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB hinggil sa petisyon ng Alliance of Concerned Transport Organizations o ACTO na itaas ang pasahe sa mga pampasaherong jeep.
Nais ng mga jeepney operator na dagdagan ng piso ang kasalukuyang pamasahe sa jeep na P7.50 sa unang apat na kilometro.
Dating P8.50 ang pamasahe sa jeep ngunit ibinaba ito sa p7.50 noong Disyembre matapos na aprubahan ng LTFRB ang P1 provisional fare rollback dahil sa sunud-sunod na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa mga jeepney driver, simula ng ipatupad ang provisional fare rollback ay malaki ang nawawala sa kanila.
Idagdag pa ang mabigat na trapiko na nararanasan sa Metro Manila na nagiging sanhi upang mabawasan ang pag-ikot nila sa kanilang ruta.
Tags: ACTO, fare hike petition, LTFRB