Desisyon ng Korte Suprema sa EDCA, i-aapela pa ng mga tumututol sa kasunduan

by Radyo La Verdad | January 13, 2016 (Wednesday) | 843

GRACE_CASINO
Inihahanda na ng mga petitioner ang kanilang isusumiteng Motion for Reconsideration upang iapela sa Korte Suprema ang pinagtibay na Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa botong 10-4, idineklara ng Supreme Court na naaayon sa saligang batas ang EDCA.

Ayon kay dating Congressman Teddy Casiño kabilang sa nakapaloob sa kanilang M-R ay ang isyu ng legalidad.

Ikinababahala ni Casiño ang panganib at maaring ibunga ng pagkakaroon ng karagdagan pang us military bases sa bansa.

Nakasaad sa EDCA na ang kasunduang ito ay tatagal lamang ng 10 taon subalit pangamba ni Casiño, maaari pa itong lumawig.

Aniya maaaring lalong pag-initan ng China ang Pilipinas at tuluyang angkinin ang West Philippine Sea.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)