Desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng kaso ng CGMA, handang sundin ng Malakanyang

by Radyo La Verdad | July 19, 2016 (Tuesday) | 2895

DUREZA
Inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na kikilalanin ng Malakanyang ang desisyon ng Korte Suprema na pawalang sala si dating pangulo at Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo sa umano’y maanomalyang paggamit ng pondo ng PCSO.

Sinabi naman ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, mas mabuting irespeto ng lahat at sumunod sa Supreme Court’s ruling.

Ayon naman kay Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza na dati ring miyembro ng gabinete ni CGMA, ang desisyon ng Korte Suprema ay nangangahulugan ng hustisya sa kampo ng dating pangulo.

Una ng nagpahayag kanyang posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaso ni CGMA.

Inalok ng pangulo noon si Arroyo na bibigyan ng pardon ngunit tinanggihan ito dahil sa implikasyon na guilty siya sa kaso.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ni Pangulong Duterte kaugnay ng naging desisyon Korte Suprema na pagpapawalang sala sa dating pangulo.

(Nel Maribojoc/UNTV Radio)

Tags: , ,