METRO MANILA – Hindi na oobligahin ang mga motorcycle riders na magkasama sa bahay na maglagay pa ng barrier sa kanilang motorsiklo.
Ayon kay Joint Task Force (JTF) Covid Shield Commander PLtGen. Guillermo Eleazar sa programang Get It Straight with Daniel Razon.
Ang pagpayag ng IATF ay kasunod ng pagsasailalim sa Metro Manila at iba pang probinsya sa General Community Quarantine.
“Ngayon po ay binigyan ng kaluwagan, pinakinggan, naintindihan itong konsepto na ito para sa kapakanan ng nakararami” ani JTF CV Shield Commander, PLtGen. Guillermo Eleazar.
Ikinatuwa naman ng Motorcycle Federation of the Philippines ang desisyon ng IATF.
Kakailanganin naman ang barrier para sa mga magkaangkas na hindi magkasama sa bahay.
Suhestiyon naman ng Motorcycle Federation of the Philippines, dapat may kanya kanyng helmet ang bawat i-aangkas na kakilala at hindi maghihiraman.
Paliwanag ni Eleazar dapat ay privately owned ang motorsiklo at hindi for hire o for rent o hindi nagpapabayad ang rider nito.
Dapat ding kabilang sa apor o authorized persons outside of residence ang nakaangkas o backride.
Habang pinapayagan naman kahit hindi apor ang rider bastat maghahatid o naghatid o susundo ito ng apor na patungo sa trabaho.
Kailangan lamang na sabihin na naghatid ito o susundo ng apor at magpakita ng id na mayroong home address .
Dapat ding nakasuot ng facemask at full face helmet ang rider at backride at hindi maaaring tanggalin habang magkaangkas sa motorsiklo.
Sinabi pa ni Eleazar na matitiketan ang mga lalabag sa nasabing mga patakaran.
Kung mayroon naman aniyang sakay na hindi Authorized Persons Outside Residence (APOR) ay overloading of passenger ang magiging violation ng rider na may multang P1,000.
(Lea Ylagan | UNTV News)
Tags: Motorcycle barrier
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com