Senate of the Philippines – Nais ni Senator Panfilo Lacson na magtalaga ang pamahalaan ng isang designated survivor o isang opisyal na mamumuno sa bansa sakaling masawi ang lahat ng opisyal ng gobyerno.
Kaugnay nito inihain ng senador sa mataas na kapulungan ng kongreso and designated survivor bill. Batay sa panukala ni Senator Lacson, maaring italagang designated survivor ang senior member ng senado, kamara at gabinete.
Ang pagtatalaga ng designated survivor ay ginagawa sa amerika at isang tv series din ang ginawa kaugnay nito kung saan isang miyembro ng gabinete ang naging pangulo ng amerika matapos masawi ang mga opisyal ng pamahalaan matapos pasabugin ang U.S. capitol habang nagsasagawa ng State of the Union Address ang dating U.S. President.
“Kung halimbawang mayroong extremist o mayroong terorrist na bombahin ang batasan naubos lahat wala tayong susunod na succesor.” ani Sen. Panfilo Lacson.
(Grace Casin | UNTV News)
Tags: Senate