Dept. of Agriculture, tiniyak na sapat ang supply ng bigas sa kabila ng epekto ng El Niño sa agrikultura

by Radyo La Verdad | April 7, 2016 (Thursday) | 2240

RICE
Umabot na sa mahigit 203K MT ng palay ang nasira ng El Niño phenomenon sa bansa.

Subalit ayon kay Secretary Proceso Alcala, mas maliit pa rin ito kung ikukumpara sa kanilang projected loss na 970K MT.

Sinabi ni Alcala maganda pa rin ang ani ng palay sa mga nagdaang buwan kahit na umiiral ang El Niño.

Ayon kay Alcala sa katunayan ay nasa 127% ang sufficiency ng palay sa Region 12 na kinabibilangan ng North Cotabato kung saan nangyari ang madugong protesta ng mga magsasaka.

Ayon sa kalihim, ang mga ipinakikitang video sa karamihan ng mga naglalabasang balita ay mga tanimang tapos nang anihin.

Umabot na sa mahigit P3.6B ang nagastos ng kagawaran upang tugunan ang napinsalang El Niño sa bansa kung saan nasa P48M ang napunta sa Region 12.

Sa ngayon ay umabot na sa P6.576B ang halaga ng pinsala ng El Niño sa agricultura sa buong bansa.

Tiniyak din ni Alcala na sapat ang supply ng bigas sa bansa maging sa Region 12 dahil bukod sa lokal na ani ay umangkat pa ang NFA ng 500K MT ng bigas para ipandagdag sa reserba ng bansa.

Isa rin sa patunay na sapat ang supply ng bigas ay ang mababang presyo ng bigas sa merkado.

(Rey Pelayo/UNTV NEWS)

Tags: ,