Walang magiging pagbabago sa deployment ng puwersa ng Armed Forces of the Philippines sa Basilan at Jolo sa kabila ng pagbawi ng New Peoples Army ng kanilang unilateral ceasefire.
Ito ang tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasabay ng rekomendasyon na ituloy ng pamahalaan ang pagpapatupad ng unilateral ceasefire.
Ayon sa AFP, ito ay pagpapakita lamang na seryoso ang pamahalaan sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa rebeldeng grupo.
Gayunman, nakahanda aniya silang dumipensa kapag sila ay sinalakay ng mga rebelde.
Samantala, dalawang sundalo ng 39 infantry batallion sa Columbio Sultan Kudarat ang iniulat na nawawala kaninang umaga.
Habang natagpuan na ang bangkay ng tatlong sundalo na naunang naiulat na nawawala kahapon sa Bukidnon.
Ang mga nasabing sundalo ay dinukot umano ng npa matapos bawiin ang kanilang ceasefire declaration.
Hiling ng AFP, pakawalan agad ang mga dinukot na sundalo.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: Deployment ng mga sundalo sa Jolo at Basilan, hindi apektado ng termination ng ceasefire ng NPA- DND