DepEd Provincial Office sa Agusan del Norte, nasunog

by Radyo La Verdad | January 8, 2018 (Monday) | 3782

Bandang alas kwatro kwarenta ng hapon kahapon nang sumiklab ang apoy sa provincial office ng Department of Education sa Butuan City, Agusan del Norte.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali.

Umakyat sa 4th alarm ang sunog, pasado alas sais ng gabi ng ideklara itong fireout. Wala namang naiulat na nasaktan o namatay dahil sa insidente.

Ayon kay Fire Chief Inspector Rey Antonio Restauro, Provincial Fire Marshall ng Agusan del Norte, iniimbestigahan pa nila kung ano ang sanhi ng sunog at kung magkano ang kabuohang halaga ng tinupok nito.

Samantala, bumuo na ng Crisis Management Committee ang pamunuan ng DepEd Agusan del Norte na siyang inatasan upang maibalik ang regular na operasyon ng kanilang opisina.

Hindi rin sila mag-dedeklara ng work suspension ngayong araw upang pag-usapan ang kanilang magiging operasyon.

 

( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )

 

 

 

 

 

Tags: , ,