DepEd, pinalilimitahan sa mga guro ang ibinibigay na mga assignment sa mga mag-aaral

by Erika Endraca | October 13, 2020 (Tuesday) | 6370

METRO MANILA – Nais ng Department Of Education (DepEd) na hindi mabigatan ang mga mag-aaral sa kanilang ginagawa ngayong distance learning.

Ayon kay Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, hindi kailangan gawin lahat o sundin ang mga nakalagay na activities sa modules ng bata.

Hindi rin dapat sabay-sabay na magbigay na homework ang mga guro, at huwag madaliin ang pagsa-submit ng kanilang activities.
“ayaw naman natin na yung excitement ng mga matuto na ma-convernt into burn out na masyadong mabilis pag sobra-sobra na kaya mga superintendent po ako na nagremind na kung ano lang yung kaya nung bata yun lang po muna ang isumite hindi naman po ito dapat na panahon na super higpit tayo sa kung anu-ano na ginagawa natin” ani DepEd Usec. Diosdado San Antonio

Pinaiiwasan din sa mga guro na magtext o tumawag sa mga estudyante tungkol sa mga aralin tuwing weekend .

“Ang kailangan na hindi gagawin yung mga additional na gingawa na binibigay sa mga bata na hindi na sa panahon na nag-aaral pa kasi weekend naman linggo” ani DepEd Usec. Diosdado San Antonio.

Nangako naman ang deped na magha-hire ng learning support aide na katuwang ng guro at magulang sa pagmomonitor sa pag-aaral ng bata.

(Dante Amento | UNTV News)

Tags: ,