DepEd, pinakapinagkatitiwalaang ahensya ng gobyerno ayon sa Philippine Trust Index

by Radyo La Verdad | November 26, 2021 (Friday) | 4972

METRO MANILA – Ikinatuwa ng Department of Education na sila ang “most trusted” na ahensya ayon sa inilabas na datos ng Philippine Trust Index (PTI) noong November 25.

Nanguna ang nasabing ahensya na nakakuha ng 91% trust rating mula sa publiko.

Ayon sa DepEd, hindi ito magiging posible iyon kung hindi dahil sa mga effort na ginagawa ng mga education frontliner na nakatutulong sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.

Sumunod naman sa DepEd sa pinakapinagkatitiwalaang ahensya ay ang PAG-IBIG Fund na nakapagtala ng 89%, sumunod naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may 88%, at Government Service Insurance System (GSIS) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na kapwa nakakuha ng 87%.

Ang PTI 2021 ay binuo ng communications firm na EON Group na kung saan sinusukat nito ang tiwala ng publiko sa iba’t-ibang mga ahensya at organisasyon ngayong panahon ng pandemya.

(Judren Soriano | La Verdad Correspondent)

Tags: