METRO MANILA – Pinag-iingat ngayon ng Department of Education (DepEd) ang publiko laban sa pekeng post ukol sa umano’y pang baon para sa mga estudyante mula Grade 1 hanggang Grade 6.
Sa inilabas na advisory ng DepEd, nagbabala ito sa mga magulang na huwag basta ibibigay ang identification at school information ng kanilang mga anak sa mga ganitong klase ng post, upang hindi makompromiso ang kanilang seguridad.
Muling nagpaalala ang DepEd sa lahat na maging mapanuri at huwag basta magtitiwala sa mga post na makikita sa social media.
Para sa mga official announcement at impormasyon bumisita lamang sa social media accounts at website ng DepEd.