METRO MANILA – Iginiit ng Department of Education (DepEd) na mananatili ang kanilang order hinggil sa pag-aalis ng administrative task sa mga guro sa public schools.
Sa isang panayam sinabi ni DepEd Asisstant Secretary Francis Bringas na masyado pang maaga para sabihing malabo itong maipatupad sa mga paaralan.
Nauna nang kinuwestyon ng Alliance of Concerned Teachers ang hakbang na ito ng DepEd.
Ayon sa grupo, kulang umano ang 10,000 administrative personnel na idineploy ng DepEd kumpara sa kabuong bilang ng public schools sa buong bansa.
Bagaman kinikilala ito ng DepEd, sinabi ng ahensya na maaring gamitin ng mga eskwelahan ang kanilang pondo mula sa maintenace and other operating expenses (MOOE) para makapag-hire ng mga non-teacher personnel.
Tags: DepEd, public school, Teachers