DepEd officials, sasama sa pagbisita ng pangulo sa Ormoc at Marawi City

by Radyo La Verdad | July 13, 2017 (Thursday) | 4249


Abala ang Department of Education sa pagmo- monitor sa mahigit isang daang mga paaralang may major damages dahil sa armed conflict sa Marawi City.

Gayundin ang mga nasirang pasilidad ng kagawaran sa Leyte dahil sa 6.5 magnitude na lindol.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones, nais nilang personal na makita ang lawak ng pinsala ng kaguluhan at kalamidad sa mga paaralan, kung kayat sila sa paglilibot ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngayong araw ay magtutungo ang mga ito sa Ormoc Leyte at bukas naman ay sa Marawi City.

Samantala, ayon sa DepEd mayroong 2, 933 na mga guro ang na-displace dahil sa Marawi crisis.

Ngunit tiniyak ni Sec. Briones na patuloy na nakakatanggap ang mga ito ng kanilang kompensasyon

Habang hindi pa nakakabalik sa trabaho nagbibigay din ang TESDA ng skills training sa mga ito.

Ipinagpaliban naman ng PRC ang licensure examination ng mga gurong apektado ng lindol sa Eastern Visayas at Marawi crisis sa Northern Mindanao.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,