DepEd, nagpaalala sa pagsasara ng enrollment sa June 30

by Erika Endraca | June 29, 2020 (Monday) | 7719

METRO MANILA – Hanggang June 30, araw ng Martes ang katapusan ng enrollment period para sa school year 2020-2021 sa mga pampublikong paaralan.

Magtatapos din sa nasabing period ang remote at dropbox enrollment na ipinatutupad ng kagawaran.

Ayon sa Department of Education (DepEd), sa ngayon, mayroon nang mahigit 15 na enrollees sa buong bansa.

14-M dito ay sa mga pampublikong paaralan.

Pinakaramarami naman sa mga nag enroll ay mula sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 1,740,550 learners

“Mahirap magsabi ng ganyan hanggat hindi natatapos yung survey (enrollment) natin pero ang pinagdadasal natin sana nga ang mga bata ay patuloy ang kanilang pag-aaral nakakaawa ang mga bata kasi kumbaga we are after of their future” ani DepEd Usec. Jesse Mateo.

Para sa mga may katanungan sa DepEd inaabisuhan ang mga magulang na kontakin ang kanilang pinakamalapit na division office o paaralan o di kaya ay tumawag sa kanilang action center sa numerong 8636-1663 o 8633-1942 at cellphone numbers 0919-456-0027 at 0995-921-8461.

Maari ring mag-email sa action@deped.gov.ph o bumisita sa www.deped.gov.ph/obe-.

(Dante Amento | UNTV News)

Tags: ,