Naglabas na ng guidelines ang Department of Education o DepEd kaugnay ng mga isasagawang graduation rites ng mga pampubliko at pribadong elementary at secondary school sa bansa.
Ayon sa DepEd order number 7, serye ng taong kasalukuyan, dapat ay maisagawa ang mga graduation ceremony bago sumapit o sa araw mismo na April 1.
Binigyang-diin din ng ahensya na dapat ay hindi magastos at simple lamang ang isasagawang graduation rites.
Hindi rin dapat na maging venue ng political activity o pangangampanya ang mga seremonya upang mapanatili ang pagiging non-partisan ng mga paaralan.
(UNTV News)
Tags: DepEd