Matapos mai-award ng Department of Education ang hosting ng 59th Palarong Pambansa sa Albay, puspusan na ang ginagawang paghahanda ng provincial government para dito.
Tinatayang aabot sa 20-libong delegado at mga atleta mula sa labingwalong probinsiya ang lalahok sa mahigit isang linggong kumpetisyon.
Sinimulan na rin ang konstruksiyon ng pagdaraosan ng palaro gayundin ang lugar na magsisilbing tirahan ng mga delegado at manlalaro sa loob ng mahigit sa isang lingo.
Bukod sa mga venue na pagdaraosan ng mga event, puspusan na rin ang training ng archery team ng Bicol University.
Ikinatuwa rin ng DEPED Region Five na ang probinsiya ang napiling maging host ng palaro dahil malaki ang maitutulong nito upang lumakas ang turismo sa buong Bicol Region.
Naglalagay na ng mga pasilidad sa kasalukuyan sa Albay Sports Complex sa Guinobatan Town na siyang magiging sentro ng Palarong Pambansa ngayong taon.
(Allan Manansala / UNTV Correspondent)
Tags: Albay, DepEd, Palarong Pambansa